
Nakaalis na ng bansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa tatlong araw na working visit sa Singapore hanggang July 16.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), alas-5:27 ngayong hapon lumipad ang eroplanong sinasakyan ng Pangulo mula sa Villamor Airbase, Pasay City.
Layon ng byahe na palakasin pa ang ugnayan ng Pilipinas at Singapore, na mamumuno sa ASEAN sa 2027.
Makikipagpulong ang Pangulo kay Singapore Prime Minister Lawrence Wong upang pag-usapan ang kalakalan, pamumuhunan, kalusugan, kalikasan, at iba pang usaping panrehiyon.
Haharap din siya sa mga business leaders upang makahikayat ng mas maraming pamumuhunan sa bansa matapos makamit ng Pilipinas ang upper middle income status.
Kasama rin sa biyahe si First Lady Liza Araneta-Marcos, na magbibigay ng mensahe sa Global Economic Cooperation Summit sa imbitasyon ng India-based Future Economic Cooperation Council










