Sunday, July 12, 2026

Trust ratings nina PBBM at VP Sara Duterte halos walang naging pagbabago; Sen. Bam Aquino nananatiling most favorable Senator – Publicus Asia survey

Walang naging pagbabago sa approval at trust ratings nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte.

Batay sa resulta ng Pahayag Second Quarter Survey, nananatili sa 28% ang approval ratings habang 26% ang trust ratings ni VP Sara.

Bahagya namang bumaba ang approval ratings ni Pangulong Marcos Jr sa 18% mula sa dating 19% at 12% naman ang trust ratings mula sa 13% noong first quarter.

Habang 32% ang approval rating at 21 ang trust rating ng bagong upong si Senate President Sherwin Gatchalian.

Ayon sa Publicus Asia Inc., nananatili namang most favorable senator si Senador Bam Aquino sa ikatlong sunod na quarter.

Nakakuha siya ng 57Publicus Asia Inc. net favorable rating kung saan 29% ang nagsabing very favorable at 28% ang favorable ang kanilang pananaw sa senador.

Samantala, bahagyang tumaas ang approval at trust rating ni House Speaker Bojie Dy na may 13% at 8%.

Habang 17% ang nakuhang approval rating ni Chief Justice Alexander Gesmundo at 10% naman ang kaniyang trust ratings.

Isinagawa ang survey nitong June 28 to 30 sa mahigit 1,500 respondents nationwide.

Facebook Comments