Patay sa pampasaherong bus na nahulog sa bangin sa Hamtic, Antique, umakyat na sa 18

Labing walo na ang patay matapos na mahulog sa bangin ang Ceres Bus Liner sa Barangay Fabrica sa bayan ng Hamtic sa Antique.

Ito ang kinumpirma sa interview ng RMN Manila ni Atty. Jade Marquez, Legal Counsel ng Vallacar Transit Inc., may-ari ng nahulog na Ceres Bus Liner.

Ayon kay Marquez, kabilang din sa mga nasawi ang driver at konduktor ng bus at dalawa nilang inspektor.


Nasa limang pasahero naman ang stable na ang kalagayan habang anim ang under observation sa pagamutan.

Pagtitiyak ni Marquez, tinutugunan nila ang mga pangangailangan ng mga pasaherong nasawi at nasaktan.

Kasabay nito, sinabi ni Marquez na bukas ang kanilang kompanya sa imbestigasyon sa insidente.

Itinaggi rin ni Marquez na overload ang bus dahil nasa 29 lang ang sakay nito mula sa 35 na seating capacity.

Sumailalim rin aniya sa inspeksyon ang bus bago umalis sa kanilang terminal sa Iloilo at nasa naayos na kondisyon din ang driver nito.

Ayon pa kay Marquez, talagang accident prone ang lugar dahil makitid ang kalsada kung saan nahulog ang bus.

Sa ngayon ay boluntaryong sinuspinde ng kompanya ang operasyon ng 12-bus nito.

Facebook Comments