
Sinabi ni defense counsel Mark Vinluan na magpipresenta ng testigo ang depensa para mapatunayan ang Operation Romanov.
Inihayag ito ng nasabing counsel matapos na tanungin ito ni Senator Raffy Tulfo sa pagsisimula ng impeachment trial ngayong araw sa Senado.
Kaugnay nito, hindi naman ibinunyag ng nasabing counsel kung ilan at sino ang nasabing testigo.
Kaugnay nito, pinaliwanag ni defense counsel Atty. Michael Poa na ang binanggit ng bise presidente sa nangyaring Zoom press conference na ang Oplan Romanov ay patungkol sa umano’y banta laban sa buhay niya pati na ng kanyang pamilya.
Samantala, binigyang-diin naman ni Poa na wala pa itong karagdagang kaalaman kung ano ang pinakita sa recorded na press conference video.
Facebook Comments










