
Naghain ng patong-patong na reklamo sa Commission on Human Rights ang Alliance of Concerned Teachers o ACT Philippines laban sa Philippine National Police o PNP, Citizen Armed Force Geographical Unit, at Presidential Security Command.
Ito ay para kundinahin ang umano ang serye ng state-sponsored threats, surveillance, illegal profiling, at violent attacks laban sa mga pampublikong guro at education support personnel sa bansa.
Kabilang sa reklamo ang umano’y profiling and intimidation sa Zamboanga del Sur; red-tagging sa 25 na pampublikong guro at miyembro ng grupo sa Bicol Region; at violent dispersal sa Malacañang Gate 7 na nakasakit sa 15 guro at estudyante, at umano’y pagsira at pangungumpiska ng kanilang personal na gamit, placards, at megaphone.
Ayon kay ACT Philippines Secretary General Raymond Basilio, itinuturing ng mga ahente ng estado ang mga guro, hindi bilang mga kawani ng pamahalaan, kundi bilang mga kaaway.
Nagpapakita rin umano ito na mismong ang gobyerno ang pangunahing lamabaga sa karapatang pantao ng mga guro.
Panawagan ng grupo sa Commission on Human Rigts, agad nanimbestigahan ang mga abusadong pulis at militar, at tiyaking mapapanagot ang lahat ng may sala.










