Wednesday, October 14, 2026

AFP, suportado ang desisyong pagsuspende ng military-to-military communication channels sa Tsina ng Pilipinas

Suportado ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang naging aksyon ni Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr., na suspendihin ang military-to-military communication channels sa Tsina tatlong taon na ang nakalilipas.

Sinabi ito ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas kasunod ng naging pahayag ng Chinese Embassy na dapat na manatiling bukas ang linya ng komunikasyon para maiwasan ang maling kalkulasyon at lumala ang tensyon sa West Philippine Sea (WPS).

Sa inilabas kasi na post ng embahada ng China, inakusahan pa nito si Teodoro na kaya pinutol ang military-to-military communication channels para sa pangsariling interes nito sa pulitika , at palapitin ang mga sundalo sa mas malaking panganib.

Ayon kay AFP Spokesperson for the West Philippine Sea Retired Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, para gumana ang isang communication mechanisms, dapat ito ay may mutual trust, sincerity at suporta sa international law.

Tiniyak naman ng AFP na patuloy nilang gagawin ang kanilang mandato sa pagpapatrolya sa karagatan, sa himpapawid, pagsasagawa ng maritime awareness at rotation and resupply missions sa teritoryo ng bansa.

Facebook Comments