
Posibleng mas mataas pa sa P817 million ang unexplained wealth ni Vice President Sara Duterte kung hindi conservative ang computation sa mga hindi maipaliwanag na yaman ng bise.
Bago magtapos ang Day 38 ng impeachment trial ay naitanong ni Presiding Officer Chiz Escudero kay forensic financial analyst Atty. Alexander Cabrera na magkano ang maximum o hangganan ng aabutin na undeclared assets ni VP Duterte kung hindi sila conservative sa computation ng mga unexplained wealth.
Ayon kay Cabrera, posibleng umabot sa P1.5 billion ang maximum amount ng hindi deklaradong yaman ni VP Duterte para sa taong 2022 hanggang 2025.
Sinabi ni Cabrera na kung isasama ang P475 million na confidential funds, P100 million na discrepancy sa Anti-Money Laundering Act (AMLA) records at P250 million mula sa GenCorp Industries Inc., sa kanyang tantya ay aabot pa ang hindi maipaliwanag na yaman ni Duterte sa P1.5 billion.
Ibabawas naman kung may liability ang unexplained wealth ng bise presidente.










