Friday, October 16, 2026

Senador, nababahala sa mas malalang diskriminasyon na dinaranas ng mga ordinaryong Pilipinong may PWD

Nababahala si Senator Erwin Tulfo na kung nagagawa ang pangungutya sa mga taong may kapansanan na mula sa kilalang pamilya, ay hindi hamak matindi ang diskriminasyon ng mga ordinaryong Pilipino na PWD.

Kaugnay ito sa mga content creators na inalipusta sa kanilang podcast ang mga taong may autism spectrum at kinutya pa si Joshua Aquino na anak ng “Queen of All Media” na si Kris Aquino.

Sinabi ni Tulfo na Chairman ng Social Justice and Welfare Committee na isang kabalintunaan na kung sino pa ang walang kapansanan, sila pa ang may kakulangan sa pangunawa lalo na sa pagiging sensitibo sa pinagdadanan ng mga taong may kapansanan.

Nagaalala ang mambabatas dahil kung nagagawa ito sa mga PWD mula sa kilalang pamilya ay paano pa ang dinaranas ng mga ordinaryong Pilipinong may kapansanan.

Tiniyak naman ni Tulfo ang patuloy na pagsusulong ng mga panukalang pro-PWD kabilang ang Senate Bill No. 1405 na nagtatakdang gawing lifetime ang validity ng PWD ID para sa mga may permanenteng kapansanan at Senate Bill No. 1830 o pagbibigay nang mas maayos na access sa mga PWDs sa mga tourism sites.

Facebook Comments