Wednesday, October 14, 2026

PBBM, ipinaliwanag ang muling pagpapalit ng PCO Secretary

Binigyang katwiran ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang muling pagpapalit ng kalihim ng Presidential Communications Office o PCO.

Si PCO Sec. Lino Cayetano na kasi ang ikaanim na kalihim ng ahensya sa loob ng apat na taon ng administrasyon, kapalit ni dating acting secretary Dave Gomez.

Ayon sa Pangulo, dapat iakma ang diskarte ng tanggapan sa pagbabago ng paraan ng paghahatid ng impormasyon sa publiko.

Kailangan din aniyang pagbutihin ang pagpapalaganap ng impormasyon, lalo na sa pamamagitan ng social media at iba pang makabagong plataporma.

Kumpiyansa si Pangulong Marcos na sa pamumuno ni Cayetano, mas mabilis na maihahatid sa publiko ang tama at napapanahong impormasyon tungkol sa mga programa ng gobyerno.

Facebook Comments