Friday, October 16, 2026

PBBM, tiwala sa desisyon ni Rep. Sandro Marcos na lumipat ng partido

Buo ang tiwala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa desisyon ng kaniyang anak na si Ilocos Norte Congressman Sandro Marcos na lumipat mula sa Partido Federal ng Pilipinas (PFP) patungo sa Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD).

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, pinagkakatiwalaan ng Pangulo ang mga desisyon ng kaniyang anak.

Nanumpa bilang bagong miyembro ng Lakas-CMD si Sandro nitong Lunes, kung saan makakasama niya sa partido ang kaniyang tiyuhin na si dating House Speaker Martin Romualdez at dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, na kinatawan ngayon ng Pampanga.

May pitumpung mambabatas ang Lakas-CMD, isa sa mga pangunahing partidong pampulitika sa bansa.

Facebook Comments