Monday, October 12, 2026

Education, nananatiling may pinakamataas na budget sa General Appropriations Bill na inaprubahan ng Kamara

Pinanatili ng Kamara sa proposed 2027 national budget ang nakasaad sa National Expenditure Program (NEP) na pagkakaroon ng edukasyon ng pinakamataas na budget.

Sa House General Appropriations Bill na ipinasa sa ikalawang pagbasa ay umabot sa ₱1.107 trillion ang alokasyon sa sektor ng edukasyon.

Kabilang sa maghahati-hati sa budget na ito ang Department of Education, State Universities and Colleges, Technical Education and Skills Development Authority at Commission on Higher Education.

Ayon kay House Committee on Appropriations Chairperson Rep. Mika Suansing, kasama na dito ang dagdag na mahigit ₱10 billion para sa iba’t ibang education programs na sumusuporta sa kaligtasan sa mga paaralan, inclusive learning, academic recovery, at access quality tertiary education.

Target naman ng Kamara na aprubahan ngayong araw sa ikatlong pagbasa ang panukalang General Appropriations Act na kinapapalooban ng pambansang pondo sa susunod na taon na nagkakahalaga ng 7.2 trillion pesos.

Facebook Comments