Thursday, June 4, 2026

Isyu sa Senate leadership, idudulog na sa Korte Suprema

Nakatakdang dalhin sa Korte Suprema ang isyu ng liderato sa Senado.

Ito ay kasunod ng pag-upo ni Senator Sherwin Gatchalian bilang Senate President Pro Tempore at ang pagpapalit ng liderato sa pamamahitan ng 12 boto ng senador kahapon.

Ayon kay PDP Deputy Spokesperson Atty. Ferdinand Topacio, kukuwestiyunin nila sa Kataas-taasang Hukuman ang hakbang na ito.

Iginiit nila na hindi umano sapat ang 12 boto para palitan ang liderato dahil 13 ang kinakailangan para ituring na mayorya sa Senado.

Hindi aniya maaaring gamitin na batayan ang ruling noon ng Supreme Court sa Avelino vs Cuenco noong 1949 dahil ibinatay ito sa 1935 Constitution.

May mga probisyon na raw na binago sa ilalim ng 1987 Constitution upang tiyakin na mayorya ang maghahalal sa Senate President.

Sinabi rin ni Topacio na hindi dapat bababa sa 13 boto ng mga senador ang kinakailangan para makapaghalal ng bagong SP kahit na may iba na hindi nakadalo sa sesyon.

Facebook Comments