Wednesday, April 15, 2026

“PERMITTING ON WHEELS”, DINALA SA ALAMINOS

Inilapit ng Department of Environment and Natural Resources – Environmental Management Bureau (DENR-EMB) ang kanilang mga serbisyo sa publiko sa pamamagitan ng programang “Permitting on Wheels,” na kasalukuyang isinasagawa sa lungsod ng Alaminos City.

Layunin ng programa na gawing mas mabilis, madali, at abot-kaya ang pagproseso ng mga environmental permits para sa mga negosyo at project proponents.

Sa pamamagitan ng inisyatibong ito, mas napapalapit ang mga serbisyo ng pamahalaan sa mga nangangailangan, habang sinisiguro rin ang pagsunod sa mga alituntunin para sa pangangalaga ng kalikasan.

Gaganapin ang aktibidad hanggang bukas mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon sa Don Leopoldo Sison Convention Center.

Hinihikayat ang mga negosyante at iba pang stakeholder na samantalahin ang serbisyong ito upang mapadali ang kanilang permit processing at makiisa sa adhikaing pangalagaan ang kapaligiran. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments