9 na miyembro ng BIFF, sumuko sa Maguindanao

52

Pinili ng 9 na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Maguindanao na sumuko na lamang sa pamahalaan nitong Sabado.

Ayon kay Joint Task Force Central Commander, Maj. Gen. Roy Galido, ang mga nagbalik-loob ay sumuko kay Lt. Col. Samuel Nadala, Jr., commanding officer ng 2nd Mechanized Infantry Battalion at Mayor Datu Tungkang Midtimbang sa batallion headquarters sa Barangay Midtimbang, Datu Anggal Midtimbang, Maguindanao.

Kasamang isinuko ng mga rebelde ang isang M16 rifle, isang M14 rifle, isang M1 Garand rifle, isang M79 Grenade Launcher, isang locally-made cal. 50 sniper rifle at isang cal. 45 pistol.


Sa ngayon sumasailalim sa custodial debriefing ang mga dating rebelde.

Nabatid na mula Enero ay umaabot na sa 146 miyembro ng BIFF ang nagbalik loob sa pamahalaan.

Facebook Comments