Wednesday, July 8, 2026

DPWH, patuloy na nakatutok sa mga pangunahing kalsada at mga binabahang lugar dulot ng pag-ulan

Patuloy na naka-antabay 24/7 ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.

Ito’y upang matiyak ang kaligtasan ng mga motorista at pasahaero ngayong tag-ulan.

Nakahanda at naka-monitor ang DPWH Quick Response Team kung saan agad silang tutugon sakaling may mga binahang lugar at may mangailangan ng tulong.

Matatandaan na may ilang lugar ang binaha sa ilang lugar sa Metro Manila bunsod ng localized thunderstorm kagabi.

Kabilang sa mga lugar na ito ay ang mga bahagi ng V. Luna Road at EDSA North Ave. sa Quezon City; EDSA Ortigas service road sa Mandaluyong, Gov. W. Pascual Ave.; Barangay Catmon, Malabon City; Blumentritt cor. Piy Margal sa Manila City; at R. Magsaysay at V. Mapa naman sa Sta. Mesa, Manila.

Agad namang humupa ang baha matapos rumesponde ang DPWH Quick Response Team kung saan agad nilang inalis ang mga naipong basura sa mga daluyan ng tubig.

Nagsagawa ang mga tauhan ng DPWH ng mano-manong cleaning at declogging sa mga drainage.

Facebook Comments