9 pang Pinoy repatriates mula Lebanon, dadating sa bansa mamayang gabi

Kinumpirma ni Department of Migrant Workers (DMW) Officer-in-Charge Hans Leo Cacdac na dadating mamayang pasado alas-10:00 ng gabi ang siyam na Overseas Filipino Workers (OFWs) mula Lebanon.

Sila ay sakay ng Qatar Airways flight na lalapag mamayang alas-10:10 ng gabi sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Sila ang 3rd batch ng Pinoy repatriates mula Lebanon na nagpasyang umuwi ng Pilipinas.


Sa harap ito ng tumitinding sagupaan sa pagitan ng Israel at Hezbollah na sumisimpatya sa Hamas militant group.

Una na ring umuwi sa bansa ang 10 Pinoy repatriates mula Lebanon.

Facebook Comments