Ilang inmates sa MPD Station-1, nakatakas

Patuloy na pinaghahanap ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang Persons under PNP Custody (PUPCs) na makatakas sa MPD Station-1.

Nangyari ang insidente kaninang ala-1:30 ng madaling araw kung saan siyam ang nakatakas.

Ayon kay MPD Dir. Col. Arnold Thomas Ibay, naaresto na ang tatlo sa siyam na nakatakas.


Aniya, sinira ng mga preso ang parte ng bakal ng kulungan kaya’t isa-isa ang nakatakas.

Agad naman ni-relieve sa pwesto ang duty desk officer at mga bantay na pulis.

Ang mga nakatakas na preso ay pawang may mga kasong illegal drugs, illegal possesion of firearms at mga may warrant of arrest.

Kasalukuyan nang iniimbestigahan ng MPD ang insidente habang nagkasa na ng manhunt operation.

Facebook Comments