
Pinatawan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ng milyon-milyong pisong multa si dating head coach Thomas Anthony “Tab” Baldwin at ang mismong Ateneo University dahil sa mga paglabag sa probisyon ng Alien Employment Permit (AEP).
Sa desisyong inanunsyo ng DOLE ngayong araw, pinagmumulta si Baldwin ng ₱4.9 milyon para sa kawalan ng Certificate of Exemption.
Bukod dito, jointly and solidarity liabale rin ang Ateneo De Manila University (ADMU) sa nasabing P4.9-M na multa.
Pinagmumulta rin ng tig P10,000 multa sina Baldwin at ang Ateneo dahil sa kabiguang kumuha ng valid na AEP para sa kanyang pagtatrabaho sa bansa.
Ipinapaubaya naman ng DOLE aa ibang ahensiya ng pamahalaan ang anumang pagsasampa ng ibang kaso kay Baldwin gayundin ang posibilidad na deportation process nito sa Bureau of Immigration (BI).










