
Hindi naging kasinglala ng dati ang pagbaha sa Las Piñas sa kabila ng malakas na ulan nitong mga nakaraang araw.
Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nakatulong ang nagpapatuloy na dredging sa pagbaba ng lebel ng baha.
Mula sa dating umaabot hanggang dibdib, wala na itong ganoong kalalim at hindi na umabot sa tuhod.
Kasunod nito, inatasan ng pangulo si Department Of Public Works And Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na balikan at ipagpatuloy ang matagal nang planong spillway sa Las Piñas para magkaroon ng dagdag na labasan ng tubig at makatulong sa pagbaha sa Metro Manila.
Mahigit 10 taon na aniyang nakabinbin ang proyekto kaya dapat nang tingnan kung ano ang kailangang baguhin at gawin upang agad itong matapos.
Facebook Comments










