
Lubos na nakikiramay ang Philippine National Police (PNP) sa pagkasawi ni PMSG Fernando Marfa matapos malunod habang sinasagip ang dalawang kasama nitong volunteers ng Bantay Dagat sa Cadiz, Negros Occidental noong August 7.
Kung saan, ang dalawang sinagip nito ay nakaligtas sa kapahamakan dulot ng napakalakas na agos ng tubig.
Ayon kay PNP PIO Chief PCol. Allen Rae Co, inaayos na ang lahat ng benepisyo na matatanggap ng pamilya ng nasawing pulis.
Ayon kay Co, nagpapatrolya ang nasabing pulis kasama ng mga volunteers ng Bantay Dagat sa apektadong lugar dulot ng masamang panahon nang malaglag umano ang dalawang kasamahan nito at dito na niya sila iniligtas.
May nagtangka naman umanong i-rescue ang nasabing pulis, ngunit dahil sa lakas ng current ng tubig ay hindi na rin ito nailigtas.
Dagdag pa ni Co, nakauniporme pa ang nasabing pulis nang makuha ang katawan nito.
Lumabas naman na ang dahilan ng pagkasawi ng biktima ay asphyxia by drowning.










