99.5 KILO NG BASURA, NALIKOM SA SCUBASURERO SA HUNDRED ISLANDS NATIONAL PARK

Umabot sa kabuuang 99.5 kilo ng basura, katumbas ng 17 sako, ang nalikom sa isinagawang quarterly SCUBAsurero sa Hundred Islands National Park bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng pangangalaga sa yamang-dagat.

Pinangunahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang aktibidad sa pakikiisa ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO), Bureau of Fire Protection (BFP), NCC, Philippine National Police (PNP) Maritime, at Philippine Coast Guard (PCG).

Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng mga kalahok, naalis ang mga basura mula sa mga baybayin at ilalim ng katubigan upang makatulong sa pagpapanatili ng kalinisan at pangangalaga sa likas na yaman ng Hundred Islands National Park.

Binigyang-diin din ng aktibidad ang kahalagahan ng patuloy na pakikilahok ng publiko sa pangangalaga sa karagatan.

Hindi lamang sa pamamagitan ng mga cleanup drive maisusulong ang kalinisan ng kapaligiran, kundi maging sa araw-araw na wastong pagtatapon ng basura at pagiging responsable sa paggamit ng likas na yaman. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments