Thursday, October 15, 2026

Yellow alert sa Visayas Grid, ipatutupad mamayang hapon

Itataas ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Yellow Alert sa Visayas Grid ngayong araw.

Ayon sa NGCP, ipatutupad ito mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-6:00 ng gabi.

Kabilang sa mga dahilan ng pagdeklara ng Yellow Alert ang hindi operational na malalaking coal-fired power plants na PEDC Unit 3 at KSPC Unit 1, gayundin ang limitadong suplay ng kuryenteng inaangkat mula sa Mindanao Grid dahil sa hindi planadong outage ng FDC Unit 3 at planadong maintenance ng GNPK Unit 4 at TSI Unit 2.

Ang Yellow Alert ay itinataas kapag hindi sapat ang operating margin ng power grid upang matugunan ang kinakailangang contingency reserve sakaling magkaroon ng biglaang aberya sa suplay ng kuryente.

Facebook Comments