
Tumambad ang mahigit P6.4 million na halaga ng shabu sa isinagawang routine cargo screening sa limang abandonadong inbound parcel sa Central Mail Exchange Center in Pasay City noong May 26, 2026.
Ayon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Inter-Agency Drug Interdiction Task Group kabilang sa mga nasabat ang 789 grams ng itim na stone-like substance at 606 colored tablets na hinihinalang ecstasy na naggkakahalaga ng P4,383,450; 946 grams ng marijuana kush na nagkakahalaga ng P1,419,900; 114 grams ng cocaine na nagkakahalaga ng P600,200, at 10 grams ng ketamine na nagkakahalaga ng P50,000.
May narekober din sa operasyon na 184 grams ng hindi pa matukoy na brown substance.
Lumalabas sa record na nakapangalan ang mga parcel sa tatlong indibidwal sa Pampanga, isa sa Zambales at isa sa Cagayan de Oro.
Ang mga nagpadala naman ay mga banyaga mula sa bansang Canada at France.
Una rito, isinagawa ang cargo screening procedures ng Bureau of Customs (BOC) personnel na sinundan ng K9 paneling ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at dito nakumpirma ang mga iligal na droga.
Nang isagawa ang manual inspection dito na tumambad ang mga kontrabando na isinilid sa lata, foil pouches, wax papers, screw-capped glass containers, plastic sachets, at mga karton na nakadisenyo para itato ang mga kontrabando habang ito ay ibinibiyahe.
Iti-turn over naman ang mga nasabat na kontrabando sa Philippine Drug Enforcement Agency National sa Quezon City para sa disposition at legal action.










