Saturday, July 25, 2026

LRTA, magpapatupad ng pansamantalang shortened operations ngayong araw

Magpapatupad ng pansamantalang shortened operations ngayong araw Light Rail Transit Authority (LRTA) sa LRT Line 2 ,ngayong araw.

Ayon sa LRTA, ang nasabing abiso ay para bigyang-daan ang pagsasaayos sa mainline track sa pagitan ng V. Mapa Station at J. Ruiz Station.

Kung saan ang huling biyahe ng tren mula Recto Station ay alas-8:00 ng gabi, habang alas-7:30 ng gabi naman ang huling biyahe mula Antipolo Station.

Samantala, maglalaan naman ng anim na shuttle van, apat na bus, at tatlong coaster bus bilang alternatibong transportasyon para sa mga maapektuhang pasahero kung saan magsasakay lamang ng mga pasahero sa Recto Station at Antipolo Station, at magbababa sa mga istasyon ng LRT Line 2.

Facebook Comments