
Patuloy ang paghahatid ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Inday, bagyong Kiyapo, at habagat.
Sa pinakahuling datos na inilabas ng departamento, umabot na umano sa 245-K food packs 25, 787 na non-food items, at 14, 386 na ready-to-eat foods ang naipamahagi sa mga apektadong pamilya sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Kabilang sa mga nakatanggap nito ay ang mga rehiyon ng Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, Mimaropa, Bicol, Western at Eastern Visayas, Megros Island Region, Zamboanga Peninsula, Davao Region, soccsksargen, at BARMM.
Samantala, nangako naman ang departamento na patuloy silang makikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at iba pang ahensiya ng gobyerno para masiguro ang agarang paghahatid ng nga kinakailangang tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng nasabing mga kalamidad.










