
Tumanggi ang kampo ni Peanut Gallery Media Network (PGMN) founder Franco Mabanta at apat na iba pa, na kumpirmahin kung nakapagpiyansa o hindi ang mga akusado.
Sa halip, ang kinumpirma lamang ni Atty. Bernice Piñol-Rodriguez ay ang P120,000 kada na piyansang inirekomenda ng korte.
Tiniyak naman ni Atty. Rodriguez na ginagawa nila ang lahat ng legal remedies para makalabas ngayong weekend ng National Bureau of Investigation (NBI) Detention facility sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa ang limang akusado.
Nasa maayos din aniyang kalagayan at nasa high spirit aniya ang grupo.
Ginagawa rin aniya nila ang lahat ng paraan para mapawalang sala sa kasong extortion ang grupo ni Mabanta.
Facebook Comments










