ABOT ₱149K HALAGA NG SHABU NASAMSAM SA BUY-BUST SA LINGAYEN; DALAWANG SUSPEK, TIMBOG

Arestado ang dalawang street-level individual sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa Lingayen, Pangasinan noong Abril 28, 2026.

Ayon sa ulat ng pulisya, nakumpiska ang mahigit 21.9 gramo ng hinihinalang shabu na may kabuuang halagang ₱148,920 batay sa Standard Drug Price (SDP).

Sa unang operasyon, nasamsam ang 7.2 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱48,960 mula sa isang 41-anyos na tricycle driver sa Brgy. Pangapisan. Bukod sa droga, nakumpiska rin ang motorsiklo, cellphone, at buy-bust money.

Sa ikalawang operasyon naman na ikinasa sa Brgy. Libsong East, narekober ang 14.7 gramo ng shabu na may halagang ₱99,960 mula sa isang 27-anyos na suspek. Kasama ring nasamsam ang isang caliber .22 revolver na may bala, at buy-bust money.

Isinagawa ang mga operasyon sa koordinasyon ng Lingayen MPS at PDEA Regional Office 1.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang dalawang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, habang ang isang suspek ay kakasuhan din sa illegal possession of firearm. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙬𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments