MOTORSIKLO, NAGLIYAB MATAPOS SUMALPOK SA KALSADA SA BINALONAN

Nagliyab ang isang motorsiklo sa gitna ng kalsada matapos sumalpok sa bahagi ng highway sa Brgy. Sumabnit, Binalonan, Pangasinan madaling araw ng Abril 29, 2026.

Batay sa imbestigasyon, binabagtas umano ng isang 45-anyos na rider ang kalsada lulan ng kanyang motorsiklo kasabay ng isang L300 van na minamaneho naman ng 30-anyos na driver na mula Taguig City.

Nang lumipat sa outer lane ang motorsiklo, nasagasaan umano nito ang isang patay na aso dahilan upang mawalan ng kontrol ang rider.

Sumalpok ito sa sementadong bahagi ng kalsada at tumama sa kasunod na L300 kung saan bigla umano itong lumiyab.

Nagtamo ng sugat ang rider at isinugod sa ospital para sa medikal na pagsusuri.

Patuloy ang imbestigasyon sa naturang insidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙬𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments