Mas pinaigting ng Police Regional Office 1 (PRO 1) ang pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at komunidad bilang bahagi ng mas malawak na kampanya laban sa illegal gambling sa Region 1.
Sa datos ng PRO 1, umabot sa 256 na indibidwal ang naaresto habang nasa Php73,017 ang nakumpiskang bet money sa serye ng operasyon na isinagawa mula May 1 hanggang May 31, 2026.
Ayon sa pulisya, hindi lamang pag-aresto sa mga lumalabag ang layunin ng kampanya kundi pati ang pagpapalakas ng ugnayan sa mga barangay at lokal na opisyal upang mapigilan ang paglaganap ng ilegal na sugal sa mga komunidad.
Kabilang sa mga sinugpong ilegal na aktibidad ang card games, color game, video karera, “cara y cruz,” bookies, at iba pang uri ng illegal gambling.
Magpapatuloy ang PRO 1 sa pagpapalawak ng koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan at pagpapaigting ng police visibility upang mapanatili ang kaligtasan at seguridad ng mamamayan sa buong Region 1. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







