Wednesday, June 10, 2026

Gurong si Barry Tayam, pag-aaralan pa ang sunod na hakbang matapos ibasura ng SC ang petisyon

Pinag-aaralan pa ngayon ng gurong si Barry Tayam ang susunod na hakbang matapos ibasura ng Korte Suprema ang kaniyang petisyon.

Ayon kay Tayam, marami pa siyang ginagawa ngayon lalo’t nagsimula na ang pasok sa eskwela.

Hinihintay rin daw muna nito kung kailan maghahain ng kaparehong petisyon ang Partido Demokratiko Pilipino na una nang nagsabi na dudulog din sila sa Kataas-taasang Hukuman.

Ibinasura ng Supreme Court ang petisyon ni Tayam na humihiling na ideklarang valid ang quorum sa sesyon ng Senado noong June 3 dahil sa kawalan ng legal standing.

Facebook Comments