
Nagkikilos-protesta ang humigit-kumulang 60 miyembro ng Philippine aliance of human rights and advocate at iba pang kaalyadong grupo sa Plaza Lapu-Lapu, East Avenue Corner Eliptical, Quezon City kasabay ng ika-128 na pagdiriwang ng araw ng kalayaan.
Mariin nilang iginigiit na wakasan na ang political dynasties, climate justice, at palayain ang taumbayan sa kurapsyon, at imperyalistang agreayon.
Ipinaglalaban rin nila ang pangangailangan ng taumbayan ng liderato na maglilingkod para sa taumbayan at hindi pumapanig sa mga malalaking korporasyon na ang interes lang umano at kumita.
Samantala sa gitna ng initan, dala rin ng grupo ang mga plakard at tarpaulin laman ang kanilang mga panawagan, maging ang mga props na mukha ng baboy at buwaya.
Facebook Comments










