Saturday, June 13, 2026

13 Pinoy seafarers na sakay ng barkong tinamaan ng projectiles sa Iraq, sasailalim ngayong araw sa medical at psychosocial counseling sessions

COURTESY: Department of Migrant Workers

Sasailalim ngayong araw sa medical at psychosocial counseling sessions ang 13 Filipino seafarers na sakay ng barkong tinamaan ng projectiles sa Iraq.

Partikular ang Pinoy seafarers mula sa M/V MSC Sariska V na dumating sa NAIA kahapon.

Ang naturang barko ay paalis sana ng Port of Umm Qasr, Iraq, nitong June 1, 2026 nang tamaan ng projectiles.

Agad naman silang nailikas ng Iraqi authorities kaya walang Pinoy crew na nasaktan sa insidente.

Ang naturang mga tripulanteng Pinoy ay inilipat muna sa hotel sa Metro Manila ng kanilang manning agency.

Facebook Comments