AFP Chief of Staff General Brawner, binisita ang mga sugatang sundalo sa Basilan

Binigyang pagkilala ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff, Gen. Romeo Brawner Jr. ang mga tropa ng 32nd Infantry Battalion ng Philippine Army na nasugatan sa pananambang sa Sumisip, Basilan kamakalawa.

Ginawaran ni Brawner ang mga sundalo ng “Medalya ng Sugatang Magiting” kasabay ng kanyang pagbisita sa Western Mindanao Command (WestMinCom) kahapon kung saan, kanyang tiniyak sa mga ito ang buong suporta maging ito man ay medikal o pinansyal.

Samantala, binisita rin ni Brawner ang headquarters ng 101st Infantry Brigade at nagsagawa ng command conference kasama si Commander Brigadier General Alvin Luzon at iba pang opisyal ng WestMinCom.


Kasunod nito, nangako ang Sandatahang Lakas na kanilang gagawin ang lahat upang maibalik sa normal ang sitwasyon sa Basilan at matugunan ang ugat ng mga nangyayaring gulo sa ilalim ng mga umiiral na batas at peace mechanism.

Facebook Comments