AFP, suportado ang nakaumang na civilian mission sa WPS

Welcome sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang panibagong civilian mission sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Philippine Navy spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, suportado nila ang civic group na naghahayag ng suporta sa paninindigan ng pamahalaan sa WPS.

Ani Trinidad, kailangan lang makipag-ugnayan sa kaukulang ahensya ang mga ito at handa namang ibigay ng Sandatahang Lakas ang assistance upang matiyak ang kaligtasan at tagumpay ng naturang aktibidad.

Nabatid na isasagawa ng Atin Ito coalition ang Peace and Solidarity Sea Concert sa WPS ngayong Mayo matapos ang kanilang matagumpay na misyon noong 2023 at 2024.

Facebook Comments