Tuesday, July 21, 2026

Sen. Alan Peter Cayetano, gumagamit umano ng “squid tactics” para makalusot sa mga isyu

Hindi makakalusot si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa ginagawa nitong “squid tactics”.

Ito ang paniniwala ni Senator Ping Lacson sa gitna na rin ng patuloy niyang pangangalap ng ebidensya laban kay Cayetano na aniya’y maaaring magpakulong dito.

Sinabi ni Lacson na gumagamit ng “squid tactics” si Cayetano para guluhin at magkaladkad ng ibang pangalan sa isyu para mapagtakpan kung ano man ang kanyang ginawa.

Punto ni Lacson, ito ang technique at hanggang ngayon ay ito ang pattern ng ginagawa ni Cayetano kapag napupunta sa kanya ang usapin.

Pilit aniya siyang inuugnay ni Cayetano sa impeachment trial matapos niyang ihayag ang pagpapaimbestiga sa P6.79 billion na budget insertions ni Cayetano sa ilalim ng 2025 national budget gayundin ang 25 porsyentong kickback sa mga slope protection at iba pang infrastructure projects.

Maliban dito ay tututukan din ni Lacson ang umano’y maanomalyang flood control projects sa Taguig City na kasama na sa mga iimbestigahan ng Senate Blue Ribbon Committee.

Facebook Comments