Thursday, July 23, 2026

Defense team, sinabing nakadepende sa impeachment court kung ano ang appreciation nito sa testimonya ni NBI Director Melvin Matibag

“NATIBAG O HINDI NATIBAG, IT WILL DEPEND ON THE COURT”

Ito ang naging pahayag ni Defense Counsel Atty. Michael Poa nang tanungin ito sa reaksyon ng defense team sa pahayag ng prosekyusyon na hindi umano natibag ng depensa ang kanilang testigo na si Atty. Melvin Matibag .

Aniya, sumangayon man sila o hindi sa nasabing pahayag na ito ng prosekyusyon ay nakadepende pa rin ito sa appreciation ng impeachment court.

Dagdag pa ni Poa, ayaw nilang sagutin ang mga ganitong bagay lalo na entitled naman ang proseksyusyon sa opinyon nito, gayundin ang panig ng depensa.

Aniya ang mahalaga umano ay nagawa nila ang kanilang targets sa naganap na impeachment trial, kahapon.

Facebook Comments