Saturday, July 25, 2026

Progreso ng Malampaya Gas Field, ininspeksyon ni PBBM

Nagsagawa ng aerial inspection si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Malampaya Gas Field upang alamin ang progreso ng Phase 4 Project.

Ayon sa pangulo, palalawigin ng proyekto ang suplay ng lokal na natural gas at pahahabain ang operasyon ng Malampaya Gas Field.

Sinabi rin ng Punong Ehekutibo na mahalagang hakbang ito upang mabawasan ang pagdepende ng bansa sa inaangkat na liquefied natural gas (LNG).

Dagdag pa ng Pangulo, makatutulong ang proyekto upang matiyak ang mas maaasahan at tuluy-tuloy na suplay ng enerhiya para sa milyun-milyong sambahayang Pilipino.

Ang Malampaya Gas Field ang pangunahing pinagkukunan ng natural gas na ginagamit ng mga gas-fired power plant na nag-su-suplay ng malaking bahagi ng pangangailangan sa kuryente sa Luzon.

Facebook Comments