
kasabay ng selebrasyon ng National Blood Donors Month ay isinulong ni Parañaque 2nd District Representative Brian Yamsuan ang House Bill 7871 o panukalang pagmodernisa sa Philippine Blood Center (PBC).
ayon kay Yamsuan, 21 taon ng maitatag ang PBC pero hanggang ngayon, karamihan sa mga kababayan natin ay sa Philippine Red Cross (PRC) pa rin umaasa kung kailangan nila ng dugo kapag may kritikal na operasyon, sakit o traumatic injuries.
Sabi ni Yamsuan, ito ay dahil sa walang sapat na pondo at awtoridad ang PBC para maipatupad ang mga tungkulin nito at makatugon sa mga kababayan nating nangangailangan ng dugo.
Layunin ng panukala ni Yamsuan na gawing ganap na institusyon ang PBC na lalaanan ng panunang pondo na 100-million pesos para mapalawak ang blood collection nito, testing, processing at distribution.
iniuutos din ng panukala ni Yamsuan ang pagtatayo ng mga regional blood centers sa buong kapuluan upang matulungan ang mga nangangailangan ng sa mga taga-probisya lalo na ang nasa malalayong komunidad.
Diin ni Yamsuan, ang pagpapalakas sa PBC ay alinsunod sa administrative issuance ng Department of Health (DOH) at sa rekomendasyon ng World Health Organization (WHO) na magkaroon ang bawat bansa ng isang national blood system policy na titiyak sa kalidad, kaligtasan at sapat na suplay ng dugo.










