Tuesday, November 24, 2026

PALARONG LAHI AT INDAK NG LAHI, ISINAGAWA SA ALAMINOS CITY BILANG BAHAGI NG NATIONAL CHILDREN’S MONTH

Isinagawa ang Palarong Lahi at Indak ng Lahi noong Nobyembre 23, 2026 sa Alaminos City bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-34 na National Children’s Month.

Pinangunahan ng City Council for the Protection of Children o CCPC ang aktibidad sa pamumuno ni City Mayor ArthBryan C. Celeste, katuwang ang mga City Development Workers at mga guro mula sa Cluster A hanggang E.

Layunin ng programa na muling buhayin ang interes ng mga kabataan sa mga tradisyonal na larong Pilipino at mapalalim ang kanilang pagpapahalaga sa kultura at mga kaugaliang bahagi ng ating kasaysayan.

Sa pamamagitan ng nasabing aktibidad, nabigyan ng pagkakataon ang mga batang Alaminian na maranasan ang mga larong kinagisnan ng maraming Pilipino, gayundin ang maipakita ang kahalagahan ng pagpapanatili ng mga tradisyong Pilipino para sa susunod na henerasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments