Unti-unti nang tumataas ang presyo ng itlog sa Malimgas Public Market sa Dagupan City kasabay ng pagkonti ng suplay ngayong tag-ulan, ayon sa mga manlalako.
Sinabi nilang nagsimula ang paggalaw ng presyo nang magbukas ang klase na inaasahang magpapatuloy pa ang pagtaas hanggang Disyembre.
Ayon sa mga tindero, hindi na umano panahon ng masaganang pangingitlog ng mga manok kaya nababawasan ang suplay ng itlog sa merkado.
Dahil dito, dahan-dahan ding sumisipa ang presyo ng bawat tray sa mga pamilihan.
Sa kabila ng limitadong suplay at pagtaas ng presyo, nananatili umanong malakas ang bentahan ng itlog dahil sa mataas na demand mula sa mga mamimili, lalo na ngayong panahon ng pasukan.
Ayon sa mga manlalako, habang nagpapatuloy ang tag-ulan, inaasahan nilang mananatiling mahigpit ang suplay at posibleng madagdagan pa ang taas-presyo sa mga susunod na buwan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








