REFERRAL SYSTEM AT PRIMARY HEALTH CARE SA PANGASINAN, PALALAKASIN SA ILALIM NG UHC

Mas magiging maayos at magkakaugnay ang paghahatid ng serbisyong pangkalusugan sa pangasinan matapos lumagda ang pamahalaang panlalawigan at department of health (doh) ilocos center for health development ng memorandum of agreement (moa) para sa universal health care (uhc) integration program.

Sa ilalim ng kasunduan, inaasahang mapapalakas ang referral system ng mga pasyente, mapapalawak ang primary healthcare services, at mapapabuti ang koordinasyon ng mga healthcare provider at lokal na pamahalaan sa buong lalawigan.

Inaasahan ding matitiyak ang pagkakaroon ng mas mabilis at episyenteng access ang mga pangasinense sa mga kinakailangang serbisyong medikal, mula sa mga barangay health station hanggang sa mga ospital at iba pang pasilidad pangkalusugan.

Ang pagsali ng lalawigan sa uhc integration program ay bahagi umano ng pagpapatupad ng republic act no. 11223 o universal health care act, na naglalayong gawing mas abot-kamay at mas de-kalidad ang serbisyong pangkalusugan para sa lahat.

Kabilang din sa mga inaasahang benepisyo ng programa ang pagpapahusay sa mekanismo ng health financing at mas matibay na ugnayan ng iba’t ibang sektor ng healthcare upang matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments