Alert Level 0, inirekomenda na ng Metro Manila mayors sa IATF

Inirekomenda ng Metro Manila mayors sa Inter-Agency Task Force (IATF) na ilagay na sa Alert Level 0 ang National Capital Region (NCR).

Kasunod na rin ito ng pagtatapos ngayong araw ng Alert Level 1 sa Metro Manila at 38 pang lugar sa bansa.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Frisco San Juan Jr., handa na ang Metro Manila mayors para ibaba sa Alert Level 0 sa NCR.


Mamayang alas-5:00 ng hapon, inaasahang ilalabas ng IATF ang kanilang desisyon kung palalawigin o hindi ang umiiral na alert level sa bansa.

Una nang inihayag ni Health Secretary Francisco Duque III na kailangang pag-aralan mabuti ang pagluluwag ng mga restriksyon sa bansa dahil nandyan pa rin ang banta ng COVID-19.

Facebook Comments