
Nagdeklara ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Red at Yellow Alert ngayong araw.
Ayon sa NGCP, itataas ang Red Alert sa Visayas Grid mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-6:00 gabi.
Habang ang Yellow Alert naman ang ipatutupad mula alas-6:00 hanggang alas-7:00 ng gabi.
Kabilang sa mga dahilan ng pagdedeklara ng Red at Yellow Alert ang patuloy na hindi pagtakbo ng malalaking coal-fired power plants na PEDC Unit 3 at KSPC Unit 1, gayundin ang limitadong suplay ng kuryente mula sa Mindanao dahil sa mga planadong outage ng GNPK Unit 4 at TSI Unit 2, at sa hindi planadong outage ng Pulangi 4 Unit 2.
Ang Red Alert ay idinedeklara kapag kulang ang suplay ng kuryente upang matugunan ang pangangailangan ng mga konsyumer at ang regulating requirement ng transmission grid habang ang Yellow Alert ay nangangahulugang kulang ang operating margin upang matugunan ang contingency requirement ng transmission grid.
Patuloy namang binabantayan ng NGCP ang sitwasyon upang mapanatili ang katatagan ng suplay ng kuryente sa Visayas.
Samantala, normal naman ang suplay ng kuryente sa Luzon at Mindanao Grid.










