LTO at PNP-HPG, kasama na ng I-ACT sa operasyon sa EDSA busway

66

Makakasama na ng Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT) ang Land Transportation Office (LTO) at Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) units sa araw-araw na operasyon sa EDSA busway.

Ayon kay I-ACT Chief Charlie Del Rosario, pagtutulungan ng tatlong ahensya na masiguro ang kaligtasan at ginhawa ng mga commuters.

Gayundin mapabilis ang biyahe ng mga bus sa loob ng EDSA busway.


Kahapon may 37 drivers ang hinuli ng I-ACT sa Parañaque City dahil sa excess passenger at iba’t-ibang paglabag.

Facebook Comments