
Suportado ng Department of Finance (DOF) ang sanibpwersang kampanya ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC) kontra smuggling at iligal na kalakalan.
Personal na sumama si Finance Secretary Frederick Go sa dalawang ahensya sa Cebu para sa isang revenue performance review at pagwasak sa mga nakumpiskang iligal na sigarilyo.
Kabilang sa mga nasamsam na item ay ang pekeng tax stamps, makinarya, raw materials, at iba pang gamit sa produksyon nito.
Tinatayang aabot sa P240.64 million ang excise tax na makokolekta sana ng pamahalaan mula sa nakumpiskang ilegal na produkto, na makakaapekto sa pondo para sa mga silid-aralan, ospital, kalsada, at sweldo ng mga guro at pulis.
Facebook Comments










