Tuesday, September 15, 2026

Pagsusulong na alisin na ang “system loss charges” sa bill ng kuryente, tiniyak ng isang senador

Tiniyak ni Senate Committee on Energy Chairman Erwin Tulfo ang patuloy na pagsusulong para tuluyang alisin ang singil sa system loss sa kuryente.

Ito’y matapos matanggap ni Tulfo ang ulat na naglabas ng revenue memorandum circular ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na nagtatanggal ng VAT sa electricity system loss charges.

Sinabi ni Tulfo na matagal nang hinihiling ito ng mga consumers at katunayan ay naghain ang ilang mga senador ng panukala para tanggalin ang buwis na ito at siya mismo ay nakipagusap sa BIR para alisin na ang VAT.

Gayunman, nais ng senador na alisin na rin sa singil ang system loss charges dahil ito ay kuryenteng hindi naman kinokunsumo ng mga kababayan.

Umaasa naman si Senator Risa Hontiveros na ang naturang hakbang ng BIR na alisin ang VAT sa system loss charges at maging daan para tuluyang tanggalin na rin ng Energy Regulatory Commission ang mismong singil na system loss alinsunod sa inanunsyo ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang state of the nation address (SONA).

Facebook Comments