Tuesday, September 15, 2026

Ratipikasyon ng Asean Treaty on Extradition, aprubado na ng Senado

Inaprubahan na ng Senado ang ratipikasyon sa ASEAN Treaty on Extradition sa botong 20 pabor at wala namang tumutol.

Sa sponsorship ni Senate Majority Leader Migz Zubiri, Chairman ng Senate Foreign Relations Committee, sinabi niya na palalakasin ng kasunduan ang pagtutulungan ng mga bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) para habulin ang mga pugante gayundin ang kanilang kooperasyon laban sa transnational crimes.

Itinatakda rin ang provisional arrests at sharing ng ebidensya ng 11 bansang kasapi ng ASEAN gayundin ang mga grounds para sa mandatory at discretionary na pagtanggi ng isang bansa na mag-extradite o ipadala sa ibang bansa ang itinuturing na pugante.

Nagpasalamat naman si Zubiri sa mga kapwa-senador na sumang-ayon sa ASEAN Extradition Treaty na sakto naman dahil ang Pilipinas ang host country ngayong Nobyembre sa ASEAN Summit na dadaluhan ng mga lider ng iba’t ibang bansa.

Ang naturang tratado ay nilagdaan at niratipikahan ng Pilipinas.

Facebook Comments