
Nagkasa ng kilos-protesa ang iba’t ibang labor groups sa tanggapan ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Intramuros, Maynila.
Ito’y para ipanawagan na ipatupad na ang dagdag ₱85 na minimum wage sa National Capital Region (NCR).
Bukod dito, hiling din nila na patalsikin sa pwesto si Labor Secretary Francis Tolentino dahil sa kawalan nito ng mga hakbang para maipatupad ang nasabing dagdag-sahod ng manggagawa.
Sa gitna ng kilos-protesta bahagyang nagkaroon ng commotion sa pagitan ng iba’t ibang grupo at ng mga gwardya ng dole.
Ito’y matapos tangkain palitan ng mga nakikilos-protesta ang bandila ng DOLE bukod pa sa ginawa nilang pagtatapal ng tarpaulin sa mismong logo ng ahensiya.
Nagawa naman makontrol at maawat ang magkabilang panig dahil na rin sa presensya ng mga pulis na itinalaga dito sa labas ng DOLE.
Huling panawagan ng mga grupo na kumilos at gumawa ng hakbang ang DOLE para maisakatuparan na ang dagdag-sahod na kung tutusin ay maliit lamang ito para sa araw-araw na gastos ng mga ordinaryong manggagawa.










