Anak, Ginahasa ng Sariling Ama; Suspek Arestado

31
Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang construction worker matapos umano nitong gahasain ang kanyang sariling anak sa Brgy. Patul, Santiago City kahapon, August 11, 2022.

Kinilala ang suspek na si alyas Ronie, 35-anyos at Top 1 Most Wanted City Level.

Dinakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Nicasio Bautista III, Presiding Judge ng RTC Second Judicial Region Branch 21 Santiago City dahil sa kasong Qualified Rape at Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Inirekomenda naman ng korte ang pansamantalang paglaya ng suspek kung makakapaglagak ito ng piyansang nagkakahalaga ng P180,000 para sa kasong Child Abuse habang wala namang piyansang inirekomenda sa kasong Qualified Rape.

Nasa kustodiya ng pulisya ang suspek para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments