Anak ni dating DOTr Sec. Arthur Tugade, itinalagang bagong GM ng MIAA

Kinumprima ng tanggapan ng Office of the Press Secretary na si OIC Cheloy Garafil na uupo bilang Acting General Manager ng Manila International Airport Authority (MIAA) si Atty. Jose Arturo “Jay Art” Tugade.

Bukod dito, siya rin ang magiging CEO at Board of Directors Member ng MIAA.

Si Atty. Jay Art ang bunsong anak ni dating Transport Sec. Arthur Tugade na nagsilbi noong nakaraang administrasyon.


Papalitan ni Atty. Jay Art si Cesar Chiong kung saan ang appointment papers niya ay pinirmahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos noong October 21, 2022.

Sa pagkaka-appoint sa nakakabatang Tugade, maraming mga kakilala at dating mga nakasama nito ang nagpa-abot ng pagbati at umaasang magiging mas maayos ang pamamalakad nito sa MIAA.

Facebook Comments